Sunday, February 1, 2015

first post for 2015, happy new year kahit medyo late na

hi blog, dito na naman ako. first post for 2015 ko pa lang ito, nakalimutan kong magsulat ng year end review for 2014, well to sum it up, namatay si tatay, nagkasyota ako, bumalik ng amerika, nagkatrabaho at ngayong last day ng january 2015, nagtatrabaho pa rin as caregiver. kahit papaano, gumanda rin naman buhay ko sa katapusan ng taon, nagkasweldo ako, may pera ako, enough na makapag ipon for my 1 year school, 1yr allowance, 1yr rent for myself para sa pag uwi ko sa pinas, may sobra pa, nakakapagshopping pa ako for myself and some pasalubong, i can eat whatever i want pa. medyo maswerte na ako kahit caregiver lang at least ang sweldo ko for 1wk pang 1month na sa pinas as pharmacist, yun lang pampalubag loob ko sa sarili ko, kahit napakadegrading, sayang kasi ang pinag aralan ko at lisensya, pero di naman ito pang habangbuhay, nagsisimula pa lang naman.

anyway, andito ako kasi andami ko namang thoughts and worries, nag ooverthink na naman ako, haaaay sana matapos na yung isyu sa maguindanao vs saf, sana madala lang sa usapan, wag na sanang mag ka all out war, 30min lang kaya ang layo ng isulan sa maguindanao. speaking of all out war, leche yan, yan ang pinag awayan namin ng syota ko kagabi, ayun, cold war na naman kami, nainis kasi ako sa kanya yung sabihin nyang okay lang mag ka all out war, alam ko namang hindi nya talaga gusto kasi nga malapit kami sa war zone, pero ayoko talaga, galit ako, pero mas galit ako nang bigla siyang nagalit, ayun, biglang tinapos na walang paalam ang video chat namin, nakakainis, nagsorry naman sya, pero ayoko muna siyang kausapin kasi nga galit ako. di niya alam 3 consecutive nights na akong nag iiyak everytime nareremember ko ang posibleng all out war sa area namin, pati ba naman sa dreams ko eh nasasali ang mga military tanks, basta, naiinis ako. naiinis rin ako kasi pinapamukha niya ako yung palaging iniitindi nya, ako na lang palaging may kasalanan, sorry naman kung palagi akong mareklamo, moody, biglang nagagalit at hindi magpapatalo sa mga agumento. bahala na, tapos im sure mamayang gabi o bukas or next days  it's either ako ang magsusuyo or sya tapos magbabati din naman kami tapos sweet sweetan na, ay leche, love nga naman, okay, february na bukas, bday month ko na, wala ako pakialam sa feb 14, yung last yr kasi di ko alam kunf best or worst yung valentines day ko, best kasi somehow im with tatay sa last valentines day nya, he's in ICU pa naman nun, or worst kasi nga last valentines na namin yun together. 

sa syota ko, i love you, suyuin mo naman ako mamaya oh, or pataasan pa tayo ng pride? okay, gutom na ako. tagal pa ng lunch, time check 10:42 am january 31, 2015