Tuesday, December 1, 2009

walang akong maisip na title

i have so many ideas, opinions, thoughts, words, views, questions in my mind right now, hindi ata ako nauubusan ng bala diyan, ampatuan vs mangudadatu, artista sa politics, how to survive in organic chemistry and pharmaceutical calculations, saan ako dadaan kung uuwi ako, buluan ba or via gensan?, maglipat ba ako ng dorm?, makakaattend ba ako ng kasal?, red alert sa sultan kudarat, yung mga compound/complex sentences na ginawa ko sa English 200 na puro mali, excited rin sa pgadating ng bagong package- at least my body soap na kami at hindi na bibili ng safeguard sa tindahan at mga mixed chocolates na naman. hindi niyo alam, collector ako ng chocolate wrappers... noon, pero ngayon hindi na. naisipan ko lang yun nung elementary ako kasi halos lahat ng chocolates natikman ko na, mga hawaiian, belgian, italian and lahat ng nationalities. lol. noon yun, pero ngayon, alam ko na, andami ko pang hindi natitikman. haha. random na masyado to. excited rin ako sa pagdating ni nanay sa march 2010, isa siyang turista sa sariling bansa, yeah, green card holder na si mother, ako rin sana, pinoprocess pa lang, kaya bye pinas na ako.. sana.

hindi niyo rin alam na 99 ang grade ko sa math nung 1st sem, actually nag-expect pa ako ng 100, kaya medyo dissapointed rin ako sa lumabas. pero nalaman ko na bawal pala magbigay ng 100 sa card, so okay lang. haha. plano ko rin palang magpabili ng victoria's secret at bath and body works kay nanay, plano kong sideline, magbenta sa room, tulad nang ginawa ni ate noon, source of allowance niya, pero sana pumayag si nanay. haha. kung matutuloy nga, bumili rin kayo sa akin, plano ko 1 week to pay sa mga classmates ko, 500 php ata sa mall, pero sa akin 450 php lang, plano pa lang naman, walang masama. masyado na ring mainit sa boarding house, wala kasi kaming aircon doon, masyado ng mahal kung magpapa-aircon kami, wala na rin ang mga kabagang ni ratatouille doon, pumanaw na silang lahat. super random na talaga to. actually, wala akong planong magpost ng mahaba, short msg lang sana, pero sorry, masyadong ng mahaba. kaya tatapusin ko na. bukas na ang pharmacy week, hindi ako excited, audience lang naman kasi ako, buti sana kung ako yung magmomodeling sa stage, pero audience lang talaga ako eh. good night.-end

Sunday, November 22, 2009

new crush.

pumunta ako sa debut kagabi, may color coding sa damit, pero hindi ako sumunod... ako lang ang naiba. hahaha. no time to buy, that day ko lang kasi napagpasyahan na umatend sa party niya. nasobrahan ata ako sa party, nagpakabusog talaga ako at nasira ang hair-do ko sa sobrang disco. hindi ko rin nakayanan ang zero degree celsius sa venue. may nakita ako, gwapo, pero parang after some years, magiging bakla siya, wala lang, nafifeel ko lang. mas umigting nung ipinakilala siya ng classmate ko sa akin,

classmate:"jue, si ______",
jue: hello.
____:hi. anu name niya ulit?
classmate: siya si jo anne
____: hi jo anne.

tapos na ang conversation. haha. yun lang naman. pero kinilig ako hanggang buto.

nakipagdisco kami ng Pharmacy 1A sa mga taga stella people (Stella academy), mabababit sila at mayayaman. haha!

yun lang.

HAppy 18th Birthday DIANE ERICA SACAY!

anyway, tinatamad akong mag-aral, kasi nafifeel ko na mababawi ko pa rin ang grades ko pag exams na. yeah, so kapal ng face ko. i'm hoping nasa second honors or first honors ako after this sem. pray for me. God bless me.

Sunday, November 8, 2009

achieved

ok. dean's lister ako. haha
with an average of 92.13
so what kung nagbabrag ako?! masaya ako eh, pinaghirapan ko yan. haha
i heard top 1 ako sa section namin, so yeah, happy.
and 2nd sa seconnd honors. but i'm not sure of this, narinig ko lang.
i thought, i can't survive pharmacy, but hey, kayang-kaya ko pala. haha.
i'm just happy.

Sunday, October 11, 2009

DL

sembreak na, a week after next weekk... can't wait.
final na rin next week...
God Bless me....
i need your prayers people....
gusto ko maging DL...
ambitious much?
the hell i care...
kinompute ko grades ko nung prelims and midterms, sapat na makapasok sa DL kung mamemaintain hanggang finals.
btw, 88 dapat ang WPA, well, parang 88 point something ako. haha.
i'll edit this soon. sembreak na siguro.
take care people.

Sunday, September 13, 2009

hk

-i thought i failed botany, but i got a whooping 85 for prelims, not bad.
-hell week for me, midterms na!
-i've been studying and studying these days but i guess mental block pa rin pag exam at quiz, while my whole family (except nanay and tatay) are enjoying HK! dude, masakit yun, nakakaiyak, in fact i cried many times.
-next year na lang ako punta HK, sama sila tatay.
-hooray!

bye.