Tuesday, February 2, 2010

pre-valentine

masyadong maganda ang mood ko ngayon, kahit 3 write-ups pa ang naghihintay at isang lab quiz bukas, basta masaya ako, napakasaya, sobrang kilig hanggang sa buto. nag eye-to-eye kasi kami ng crush ko sa school, buti na lang inimbita ako ng mga classmates ko magmall, kaya ayun, papasok pa lang ng mall nagkatinginan agad kami, syeeeeettttt... mukhang maangas yung mukha niya kanina, samantalang parang tanga naman ang face ko, tinanong ko classmate ko kung may dumi ako sa mukha, sabi, wala naman, hayyy... nakahinga na rin nang malalim.

ayun nga, andun na kami sa mall, wala akong planong maggrocery pero napilitan akong samahan mga friends ko, habang kumukuha naman ako ng piattos, napalingon ako, tapos.....

kinabahan ako.... MAY GWAPO... pero dedma lang ako siyempre, kinuha ko na ang piattos, hindi ako nagpahalata, tapos nagkausap kami ng friend ko,

sara: jue... jue... jue... kita mo?
jue: sino?
sara: si chuck ali...?!
jue: ah, yung gwapo? sinong chuck?
sara: si chuck jud, ng starstruck, basta artista ng gma.
jue: huh? hala, gwapo. kaya pala familiar.

tapos kunwari dinedma namin siya, pero ilang segundo lang ang nakalipas, "dali, i-stalk natin." haha. kaya ayun, nakita namin siya dun sa canned goods section, tapos tinawag ko yung iba ko pang friends, "uy....! si chuck ng starstruck!". tapos nun, dumaan siya sa amin, at sa harap ko, dedma daw pero tagos sa buto ang kilig.... mennnnnnnnnnn.... gwapo siya, promise, matangkad pa.

oh diba? masaya ako, sobrang kilig eh. wala pa ang feb 14, pero kinilig na ako. siya nga pala, yung status ko sa fb, "in a relationship", char char lang yun, actually, wala akong boyfriend, ni manliligaw, wala. haha. "ilusyanada" daw ako sabi ni janin at "ambisyosang palaka" sabi ng ate ko. haha. pang-intriga lang yun, hindi naman ako interesado sa feb 14 eh.

gtg.

2 comments:

J said...

aw... i met chuck dahil sa friend ni ate pat at pinakilala kami and he's really mabango to death. ahahah. and don't dare stalk him alone baka magaya ka ke ate. ahahah. wala lng. have fufufun jue and go grab ur crush!! :)))

Jo Anne said...

wala lage ako may naamoy nung dumaan siya? lol. hahaha. crush ko xa dat time, ngayon hindi na. lumipas na ang panahon. lol