every night na lang, andami dami kong naiisip na gusto kong ishare, but when the time comes i open my laptop i usually open my facebook, yahoo, some random news articles, fashions blogs and whatsoever. i regret to do this everyday coz you know, sayang naman yung thoughts ko every night. siyempre gusto ko ring ishare yung mga daily activities, some shits i do in school, some coping mechanisms and again some stupid things i always do. since i put up this blog for my purpose of revisiting my memories and activities when a year ends, siguro naman pwede akong magsulat ng kahit ano I haven't shared enough for a long period of time na rin, isaisahin natin yung mga nangyari sa buhay ko na hindi ko nasulat o nahiya akong ishare dito (eh, kasi nga, public site ito, baka sakali namang may stalkers ako. haha)
the last time i shared my activities was last march pa, so let's start with April 2012
April 2012
april, as far as i can remember, was one of the busiest and most challenging month (so far) this 2012. why? as a tradition, my family sponsored the crowning of thorns "paso/karo" the parish church uses during Holy week, so siyempre, busy talaga sa mga flower arrangement and all. it was this time also na pumunta ako ng Manila to follow up my US visa case, maliit lang nakakaalam na kumuha ako ng 3 vaccines shots simultaneously, nag pa genital/vaginal exam (which was the most awkward physical test i did!) and name it you got it na tests sa st. lukes extension clinic, (medical exam was a requirement for visa applicants like me). kinabahan naman ako sa results ng xray ko, kung alam niyo lang yung kaba ko. eh kasi ganito yun, i have previous cases of right basal pneumonia, eh kasi naman, super weak ng lungs and immune system ko. but luckily, wala namang palya, okay lahat ng results. eto naman yun, yung love life ko sa panahong ito, "on-off" yung stage namin dito, eh kasi ako busy sa sa mga application files, siya naman na busy sa duty. grabe rin yung inis ko sa buwang ito, dito ko talaga narealize na may mga tao pala talagang okay lang sa umpisa, pa sweet-sweet pa, caring and all, then in just a blink, baliktad na. nagiging cold na sayo, walang pakialam, basta ganun. kasalanan ko na rin siguro, magkaaminan na, i realized in my first 2 relationships, sila ang effortful, naghahanap palagi ng paraan para makausap ka and ako naman yung effortless, halos hindi naappreciate yung ginawa nila, so i told myself in my next serious relationship, gusto ko, i exert force and effort na. but in this relationship, ako lang pala yung isang mag eefort nang todo, if u know what i mean, nag effort rin siya, oo, pero hindi ganun talaga siguro ka todo. eto yung sabi ko na challenging ang april, i always thought of us that time, and of course, my US dreams. ipasok natin ngayon yung interview ko sa US embassy. mga at least 1 wk before my interview, siyempre, ako, effortful talaga sa paghahanap ng outfit, so ayun, nakabili rin ako ng high waist mustard yellow pencil skirt and blue see-through long sleeves blouse and high-heeled black shoes, with all the formal bag. 6 am nakalagay sa notice of interview ko, 5:30am, andun na ako. ayon, tanaw na tanaw ko na ang manila bay at us embassy, ang haba-haba ng pila. pero ang ikinashock ko nang bongga ay ang effortless na pagdadamit ng ibang applicants. pwede naman pa lang mag tsinelas, mag pantalon at mag t-shirt! bwiset talaga, nadamage pa ang pera ko! pero choks lang, siyempre, habang rumarampa ako patungo sa pila, grabe naman kung makatitig ang mga tao sa akin, artista ako doon, eh kasi nga, ako na ata ang pinakaformal doon, with all the eye liner, lipstick, blush on and wag kalimutan ang newly rebonded long hair. hihi. naamaze ako sa automatic at super bigat na caution door sa loob, lahat automatic. 5 times ata akong ininterbyu, siyempre, english, hindi naman ata ako nagka wrong grammar, siyempre, super rin ang praktis ko bago ako dun sumabak. na shock na lang ako sa sinabi ng consul "ok, you're visa is approved!", hindi ko naman kasi inexpect na siya pala ay isang consul, ang kapal ko man, pero promise, super simple lang nga mga tanong, "what is your name?" halos. tama pala, ang dala ko lang sa loob, panyo, and files ko tsaka perang enough pangtaxi pauwi. siyempre, kinabahan ako nang bongga, hello! i was in manila, and manila to me is so nakakahilo, but to the rescue ang super pogi kong kuya na naghintay sa labas ng ilang oras under the scorching heat of the sun, nakauwi na rin. after 1 wk, dun ko na receive yung passport and visa ko, umattend rin ako ng seminar "counseling for teens" (seminar that will help those children under 18y/o who will be migrating and staying for good, u know, para makaadjust) dun sa POEA (phil overseas enforcement agency), ako yung pinakamatanda sa lahat ng umattend, nashock naman sila when i said, i was from sultan kudarat. i spent the last week of april shopping, eating, sleeping, workout, spending time in bulacan, nakifiesta sa pampanga, Echanted kingdom with college friends, mall hopping and coffee with friends, luckily, that time, nagduduty sila sa mga manufacturing companies in nearby central luzon provinces. ayun.
sunod na yung may, june, july and august, imma sleep na. exams pa later.
No comments:
Post a Comment