Alam niyo ba na gustong-gusto ko nang mag-abroad at mag-Estados Unidos?! Dahil ayoko na at sawa na ako sa kahirapan ng Pilipinas! Nung isang araw ay umalingawngaw ang isyung Ted Failon's Tragedy, at sawang sawa na ako sa kakasubaybay sa TV Patrol, SNN, Bandila at mga Flash Report. Kahit hindi ko sila kaanu-ano eh naawa ako. Sino ba naman ang hindi maaawa pag ang mga kamag-anak mo, ama mo, mga kasambahay eh dinampot ng mga WALANG HIYANG PULIS lalo nang WALA PANG WARRANT OF ARREST, diba bawal yun? at kakasuhan ka pa ng OBSTRUCTION of JUSTICE at DIRECT ASSAULT. wow naman. kahit hindi ko alam ang mga kasong yan, eh bakit kakasuhan nila? kukulungin nila na walang kasalanan at pagpapapiyensahan pa ng malaking halaga. ano yun? parang KOTONG ng LTO officers sa daan?!
speaking of KOTONG, alam niyo ba yan? yung nangongotong ang mga opisyales ng bayan sa daan?! at sasabihin nila na *WALA kang DRIVER's LICENSE*, nagVIOLATE ka ng TRAFFIC RULES*, basta ganun! eh ang totoo, pag hindi ka nakabigay ng pera eh aarestuhin ka nila, kaya dapat masunurin ka sa pagbibigay ng PERA. Well ako, sanay na ako sa mga KOTONG LUPANG yan, kasi bago ako makakaapak sa gate ng school ko eh andiyan yan sila sa highway, nangungutong nang mas maaga pa sa akin.
Anyway, labin-anim na taon na ako naninirahan sa Pilipinas at 16 taon na rin akong nakatira sa bayan ko, sa bayan kong puno ng KASINUNGALINGAN, KAPABAYAAN, KAHIRAPAN at lahat ng may K. (para kumpleto). uhmm, eh kasi yung kakilala ko ay isang saksi dati sa peke at WALANG KATOTOHANAN na eleksyon. Akalain mong si *A ang nanalo na may kahigitan ang puntos ng 1000 kumpara kay *D, kinaumagahan eh may pumutok na bomba sa harap ng munisipyo at idineklara ng COMELEC na nanalo si *D. ano yun? paano? binayaran? Kaya nga tuwing magkikita kami ni pekeng Alkalde *D sa mga party at mag-eye-to-eye kami ay never niya akong nakitang nagsmile o nagpakaplastik tulad ng ginagawa ng iba. One time, nabunggo ko nga siya pero never ako nag-sorry, papresyo ang lola niyo. haha. kasi galit ako sa mga TAONG ganyan, at hindi sila deserving ng SORRY ko. period.
Kasali yan sa mga reasons kung bakit inip na inip na ako sa petition ng nanay ko, gusto ko kasing madaliin at pagkabukas eh tumungo na ako sa Amerika. parang wala na kasing pag-asa ang Pilipinas. boo! wow. mga ideolohiya at sariling pananaw ko lang ang mga yan, pero ewan ko kung papanigan mo ako.
BS PHARMACY- it's final
6 comments:
kakasuhan sila ng obstruction of justice kasi they tampered with evidence. Kasi diba nilinis nila yung scene and kinuha yung gun?
pero siguro nga may kaunti ring mali dun eh, I mean not with the case but with the way they were taken and treated.
and with "fake" officials? Well, alam mo naman sa 'pinas...
okay nmn yung reasons nila kung bkit nilinis nila yung CR eh. pero ewan, maraming klase ng O. of Justice.
artikel yang berguna nih, mampir di blog ku ya di http://blogfetra.blogspot.com sapa tahu bisa nemuin sesuatu.....keep on blogging!
Parehas tayo. Ayoko na rin sa Pinas. Mags-South Korea nalang ako! XD
francesca: haha, nice ang S. korea, somewhere in europe na lang kaya or HK! hehe.
hmp. i lurve philippines.
pero hindi yung society.
wag naman nating igeneralize yung topic.
kawawa naman ang pinas kung bias ang views.
tingnan niyo na lang ang mga positive aspects. :]
Post a Comment