Saturday, May 9, 2009

hey there sexy mom.

my life is very dull and empty without HER. who is that HER? very obvious, my mother, my nanay, mom, mami, mommy, mang, mama, mamu. You’ll agree right? Anyway, I know everyone says their mom/nanay is the best. Agree… right?.. with so many reasons… too many to mention. Tagalong naman para mas madali… haha


Siyempre, sasabihin ng lahat na “wala kayo sa nanay ko, dahil ang nanay ko…”. Of course, everybody brags. Agree… right?! Siyempre ako rin. ANG NANAY KO SUPER. Daig niya pa si Volta, Wonderwoman, Darna, Krystala at mga kamao ni Pakyaw. Todong-todong suporta, pag-aaruga, pagmamahal, pagsisikap, pagtitiyaga, pagpapalaki, pagtutulong, pag-aadvice, pagtuturo, pagpapakain sa akin. I mean sa aming pitong magkakapatid… andami noh?! Pero lahat nakagraduate na, ako na lang ang nag-aaral. GRABE ang pagsusumikap niya, db? Siyempre katulong niya rin ang PALALABS niya, si tatay.


Alam niyo, bawat tagumpay ko, para sa kanya. Ipinagmamalaki ko ang mga ito para malaman niya na ang bawat pagod, pawis at sentimong dolyares ay napupunta sa tama at ikabubuti ko. At para na rin, mapawi ang kanyang lumbay and pagka-homesick. Siya nga pala, speaking of homesick, nagtatrabaho pala siya ngayon sa *somewhere* in California. BILANG ISANG CAREGIVER. Halos 3 taon ko rin siyang hindi nakita at nakakasama. Pabalik-balik kasi siya dun, since nung grade 4 ako. Naging math teacher siya, housewife, negosyantea at yun na nga, caregiver. Pero sa kabuuan, siyempre, ang nanay ko ang naging mother ko, bestfriend ko, palalabs ko, ate ko, at lahat na… all in one… all-around.


Ibang-iba talaga ang mother’s care, touch and love. Parang magic, ang corny pero totoo. Sabi nga ni Juday sa patalastas, *iba tlaga pag touch by an angel*. Anghel na anghel tlga ang dating ng mga maerts natin. Walag kapantay, walang kakupas-kupas. Speaking of kupas, siyempre si mother earth ko, walang kupas sa beauty, ilang birthdays na lang at makakaavail na siya ng *senior citizen* discount sa Mercury Drugstore. Haha. Pero promise, she looks so young and sexy. (paano hindi magiging sexy, ang harsh kaya ang pagiging caregiver). Hindi ba halatang namimiss ko siya? Sus! Kung pwede nga lang, lalakbayin ko ang pacific ocean, kakainin ko ang sharks o kakausapin ko si Obama, para lang makita siya, mayakap, mahawakan siya. Kaso hindi ako marunong lumangoy, takot ako sa sharks at baluktot-english ako. Basta, hihintayin ko siya, haha. At malapit na, sa December 2009, daw


Oh diba, ang bongga ng life, pag-andyan ang nanay mo? Kaya… to your mom/lola, and to all the moms there and here, especially to my NANAY.... HAPPY MOTHER’S DAY.


To nanay: I am so blessed to have you, God is so good. I MISS you, I LOVE you, I NEED you.


6 comments:

Anonymous said...

hey. thanks for dropping by. btw. link-x? :)

Janin Lou said...

di ko nabasa lahat. because it's exhausting. LOL. anyway, Happy mother's day kay nanay.:)
I know how much you loooooove her.
*wink*

eduardo latino said...

happy mother's day sa kay ginang susan. :]

ashianikki said...

sweet ah. happy mother's day sa mama mo. ;D

Jo Anne said...

janin: i know you know me. happy mother's day rin kay mamu mo:)

edwin: likewise kay rosalinda:)

ashia: naks! sa mama mo rin:)

Unknown said...

Happy Mothers' Day sa iyong nanay! :D

Saan ka magkacollege?