oh eto...
dahil ako'y isang Pilipino na nakatira sa bansang Pilipinas, kailangan ko ring pahalagahan ang aking sariling wika, ang Filipino, hindi Tagalog.
kung alam niyo lang lahat, kung nagbabasa kayo lahat ng aking mga isinusulat dito, alam niyo ba na ako'y nahihirapan at nasasaktan dahil sa purong Ingles ko? kahit alam ko namang puro mali ang aking mga salita at *grammar* ay napipilitan akong mag ingles!
kumbaga, kung iisipin ako'y "trying hard* sa Ingles. OO! at wala akong pakialam...!
hindi yan ang punto ko!
isinulat ko ito upang magbago rin ang anyo ng blog na ito at upang hindi ako mahirapan sa kaka-Ingles na bala-baluktot! at alam niyo ba... na nauubos na ang mga bukabularyong Ingles sa aking karimarimarim na utak!?
maliban diyan, ay nararamdaman ko na ang init ng araw! tag-init na! at walang pasok!
at saka nga pala, ako'y masaya sapagkat ako'y nakapasok sa *5 napakagaling* sa klase..!
palakpakan!
ibalik ang topiko sa tag-init!
dahil sa trahedya noon na nangyari sa akin, ay hindi na kami babalik sa dagat o karagatan man o kahit mga paliguan man lang, ayaw na nilang ibalik ang makamandag na karanasan na binalutan ng iyakan at pag-alala.. nang ako'y nalunod at nakita na lang na palutang-lutang sa dagat, bumubula ang bibig, parang malamig na bangkay!
kaya ayan, ang bakasyon ko ngayo'y sa bahay lamang, kaya napag-isipan kong basahin ang makapal na libro ni Ronald Reagan, ang kanyang talambuhay.
sa ngayon ay nauubos na rin ng aking bukabularyo sa Filipino kaya titigilan ko na ito.!
♥bow♥
No comments:
Post a Comment