gagamitin ko ulit ang aking wika, ang filipino, ayoko munang magpaka trying hard sa Ingles... ok.. eto nah:)
sa totoo lang, wala akong gana magsulat ngayon sa akin basurang blog na ito, kaso nakita kong matagal na pala akong hindi sumusulat dito... kaya nag-isip ako ng bagong topiko na isusulat ko, pero wala akong maisip, kaya kahit ano na lang, at kahit ano na lang ang aking isusulat, at kahit walang kwenta pa ito.
at saka, ako'y nagtitiis sa aking sakit ng ulo, at mapait rin ang aking panlasa, animu'y lalagnatin ako, dagdagan mo pa ng pabalik-balik ng sakit sa tiyan. Diyos ko, tulungan mo ako!
ano pa ba ang dapat kong isulat...? ang aking bakasyon na napakalumbay at kahit walang mga ngiti sa aking labi...? ah! at saka ang aking labi! naku! parang hiniwa ng kutsilyo! ang laki ng sugat! at siyempre dumugo! kasalanan talaga ito ng 'chapstick'... hay naku!
maliban diyan ay naaaliw akong manood ng "hana kimi" sa aking paboritong istasyon, ang GMA 7... haha.. hindi pala .. ang "ABS-CBN 2".. hana kimi d' original... parang nababaliw ata ako dun sa kay "Brian"... naku! ang gandang lalaki! buti na lang nakita at nabasa ko ang kanyang pangalan... siya si Wu Chun... siya na ata ang pumalit sa puwesto ni RObi sa aking puso.. hahaha.. (joke)
at... kahapon pala, umalis na ang aking ate.. pupunta na siya sa Estados Unidos para magtrabaho at kumita ng pera... inihatid namin siya sa paliparan ng Dabaw. ay naku! ilang beses na akong pumunta doon. eh wala pa ring pagbabago! haaayyy... wala pa ring mga upuan para doon sa mga naghihintay! haaayyy..
buhay nga naman, tulad sa aking utak ay nawawalang na rin ng mga bagay-bagay. mga ideya at karagdagang topiko ang sinasabi ko, wala ng mga salita ang naiwan sa aking inaantok na ulo. kaya, mas maganda siguro kung titigilan ko na ito. kaya...
paalam na. salamat sa oras na iyong inilaan para basahin ang sanaysay na ito at pagbisita sa aking basurahan...haha.
pahabol sa aking sulat: nawala ata ang sakit ng ulo ko habang sinusulat ito. computer ata ang mediko at lunas sa sakit ng aking ulo:)
No comments:
Post a Comment